Wednesday, October 29, 2008

Multo sa Pacific

Since malapit na ang Halloween gusto ko lang i-share ang kwento na may multo raw sa Pacific Suites Live and Wired Computer Shop...Ayon sa mga kwento may nagpaparamdam daw na isang kaluluwa sa tinatawag na "L" room ng Pacific. Ito yung kwarto sa left side pag akyat mo...madalas sarado kasi huling binubukasan pag wala masyadong tao. Naalala ko nung dun kame nakapwesto at malapit ako sa dulo, 5 lang kame nandun nina popoy. ralf, shobe at iba pa. May babaeng mahaba daw ang buhok ang nanunuod sa likod ko habang ako ay nagdodota, nakaupo at naka lean forward sa shoulders ko ayon kay Ate Angel! Akala nya ay si Ate Vanessa lang, pero andun naman talaga si Vanessa kaya lang eh natutulog sa likod ni Popi! Natuwa siguro sa nilalaro ko at nukuha pang manood. Ayon naman kay Kuya Sam ay may isang batang maliit ang madalas pang magparamdam sa "L" room. Sobrang spooky talaga nang room na yan kaya naman hindi na din kami dyan naglalaro, mahirap na baka mamaya kalaro mo na pala sila.

Meron ba kayong mga kalagim lagim na karanasan sa Pacific...share nyo naman sa comments.

Ayon naman kay R, may mga bumubulong daw sa kanya pag naglalaro siya sa "L" room. Kulang ka lang sa tulog pre haha

3 comments:

Anonymous said...

hindi nga ray? :) ang alam ko lang na malagim kong karanasan sa pacific eh madulas sa stairs. LOL. :)

vaneknok said...

talaga? dko alam na nadulas ka. hehe. i miss u!

Unknown said...

missyou too vanek!