Monday, November 24, 2008

Words to live by

I try kong maging serious habang ginagawa ko tong post na to (kahit sobrang natatawa ako hehe). Lam nyo sa tinagal tagal na ng samahan natin dito sa pacific eh madami talaga ako natutunan, hindi lang sa mga paglaro ng dota kundi pati na rin sa mga pang araw araw na buhay. Akala nila eh puro sigawan lang tayo dito haha pero kung bubuksan lang nila ang kanilang mga pandinig eh tiyak na makakapulot sila ng mga aral. Gaya na lamang ng mga qoutes na ito:

"Laruin mo laro mo, at lalaruin ko laro ko" - Ruin

Ibig sabihin dapat alamin mo muna ang role mo sa team bago magsimula ang game. Kung support ka eh dapat alam mo ang trabaho mo diba, same din kung farmer at killer ang hero mo. Kung i-aaply mo sa totoong buhay eh dapat gawin mo kung ano mang trabaho ang ibigay sa yo. At wag kang pakilamero, lalo na kung ayaw mo ring pinapakialaman ka diba.


"Lahat ng bagay..nagpapantay" - Popi


Dito sa pacific eh bawal ang sumusuko (sumusuka pwede hehe). Kahit mega creeps na ang kalaban eh laban pa din. Gaya na lang ng laban namin sa isang team kung saan nagawa naming manalo kahit mega creeps na ang kalaban. Isang oras kami nag defend imagine! and eventually "nagpantay" din ang mga level ng creeps. Kung iaaply mo sa totoong buhay eh lahat naman tayo eh pantay pantay sa paningin ng Diyos. Kaya dito sa pacific wala kaming pakialam kung san ka nanggaling, lahat tayo dito pantay pantay.

"What is money? Paper only" - Kap

Straight from the kap himself. Ano nga naman ang pera kundi pawang papel lang. Madaming team dyan ang nagaaway away dahil sa pera. Marahil madalas tayo matalo nang limpak na limpak na salapi, pero kahit minsan hindi magiging dahilan yun para masira ang ating mga pagkakaibigan. Kaya pag nagkakasingilan na eh carry lang, wala naman kasi akong kilala na gustong matalo diba. (unless benta ka).

"Kung may gusto ka sa buhay, abutin mo" - abet

Kahit hindi na nagpapakita si Abet eh nag iwan naman siya ng tatak sa ating mga puso. Wala namang imposible sa buhay na ito, all dreams are within our reach ika nga nila and it is just a matter of time.

"Lahat ng bagay, may dahilan" - Ralf

Madalas mong marinig ito kay Ralf pag naglalaro siya ng magic, which is true naman. Kung ano man ang nangyayari sa buhay mo eh sure akong may dahilan si Lord kung bakit nangyayari yan specially pag may mga problema tayo. Everything happens for a reason, kailangan mo nga lang intindihin ang purpose ng mga bagay bagay. (lalim no)

"Wag mo tanggalin ang tiwala, baka yun na lang ang natitira sa kanila" -Ray

Parang si FPJ lang no...pero sa totoo lang, ang pagtitiwala ay isa sa mga bagay na lubos dapat nating matutunan. We must learn to trust others. Sa isang dota game, ito ang isa sa mga masasarap na madinig, ang sabihin sayo ng kakampi mo na may tiwala siya sayo. (unless hindi mo kilala kakampi mo). Sa totoong buhay naman ay pinagkaka-ingatan natin ito. Dahil ang tiwala parang pingan, once na mabasag eh hindi mo na maibabalik sa dati nitong kalagayan.

"Pag ang bigas naging palay, may nambuyo." - Tito Manny

Paano nga naman magiging palay ang isang bigas? Ibig lang sabihin ay nabuyo ka. Parang pag naglalaro ka ng zues at may sumigaw ng wrath, wala na yatang mas bubuyo pa dun. Simply saying, mag ingat tayo sa mga taong nambubuyo or manloloko, much better kung iiwasan natin sila sa totoong buhay. Dahil wala silang dalang hatid sa atin kundi kapahamakan.

"Pag gusto? Bigyan!" - Kenny

Hindi ako sure kung kay kenny nga nag originate ito, pero siya lang ang naalala ko. (sa lakas ba naman kasi nang boses eh). Sa isang game eh madalas mo itong marinig, nangangahulugan lang na isa kang palaban. Minsan kahit na alam mong lamang sa items ang kalaban eh mapapalaban ka, kasi nga gusto nyang mabigyan. Sa buhay natin walang mangyayari sayo kung tatakbuhan mo lang ang mga problema, dapat palaban ka. Minsan nasabi ko sa problema ko na "gusto mo pala ha pwes bigyan!", diba mas nakaka-lakas ng loob haha. Pero since malapit na ang Christmas eh dapat mas lalo tayong magbigayan diba ^^

"DQ ka lang! Pacific ako!" - Shobe

Nais kong tapusin ang post sa qoute na ito. Hindi ba nakakataba ng puso haha (no offense sa mga DQ boys ha dati rin kaming taga DQ). Isa lang ang moral lesson dito, be proud of yourself! Wag na wag mong mamaliitin ang sarili mo men, dahil ikaw ay mahalaga sa paningin ni Lord. Respect yourself so that others will respect you. Adios!

Sana may natutunan kayo kahit papaano. Sa mga may tampuhan dyan please lang magbati na kayo! haha Advance Merry Christmas!! Ate Vange X-mas Party naman dyan sa Pacific. :)


No comments: